Imbestigasyon ng UNHRC sa Pilipinas, hindi na kailangan ayon kay Senador Gordon

Naniniwala si Senador Richard Gordon na hindi na kailangan ng Pilipinas ang imbestigasyon ng United Nations hinggil sa Human Rights Situation sa bansa.

Giit niya, may Commission on Human Rights Naman ang bansa.

Ang dapat aniyang gawin ng gobyerno ay ipakita na may ginagawa ito para resolbahin ang problema.


Kinuwestiyon din ng Senador ang pagpupursige ng UNHRC sa resolusyong imbestigahan ang umano’y mga patayan sa Pilipinas habang wala silang aksyon sa mga Human Rights Abuses na ginagawa ng China.

Facebook Comments