Imbestigasyon ng US Congress sa serye ng patayan sa Pilipinas, ipinagkibit-balikat lang ng Senate leaders

Manila, Philippines – Ipinagkibit-balikat lang ng liderato ng Senado ang imbestigasyon ng Kongreso ng Estados Unidos kaugnay sa tumataas na kaso ng patayan sa Pilipinas na ikinokonekta sa gera kontra iligal na droga.

Okay lang para Senate President Koko Pimentel ang nabanggit na imbestigasyon dahil wala naman tayong itinatago.

Sabi pa ni pimentel, “the more investigations the merrier!”


Plano din ni Pimentel na humingi ng kopya ng committee report ng US congress para maikumpara sa committee report na inilabas ng Senado kaugnay sa isinagawang pagdinig ukol sa extra judicial killings.

Giit naman ni Senate Majority Leader Tito Sotto III walang kinalaman ang US sa soberenya ng ating bansa maliban na lang kung ito ay pro-drugs.

Si Senate President Pro Tempore Ralph Recto naman, hindi rin inaalala ang nabanggit na US congress investigation dahil hindi naman aniya tayo nabibilang sa mga estado ng Amerika.

Facebook Comments