Imbestigasyon sa concession agreement sa Maynilad at Manila Water, isinulong ng isang senador

Binatikos ni Senator Francis Tolentino ang concession agreement sa pagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS sa Manila Water at Maynilad.

Hinggil dito ay isinulong ni Tolentino na maimbestigahan ng Senado ang nabanggit na kontrata kung saan labis aniyang dehado ang mamayang Pilipino.

Sa kanyang privilege speech ay pangunahing tinukoy ni Tolentino na dapat busisiin ay ang probisyon sa concession agreement na nagpapahintulot sa concessionaires na ipabalikat sa publiko ang corporate income tax na nagreresulta sa mataas na bayarin sa tubig.


Noong 2018, ay nasa P2.8 billion ang corporate income tax ng Maynilad  na binayaran ng consumers nito habang P2 billion naman sa Manila Water.

Sabi ni Tolentino para tayong ginisa sa sarili nating mantika dahil tayo na ang pinagkaperahan, ay tayo pa ang sasagot sa buwis ng tubo o kita nila.

Kinastigo din ni Tolentino ang probisyon sa kontrata na nagsasabing hindi dapat makialam ang pamahalaan sa pagtatakda ng Maynilad at Manila Water ng rates at connection charges.

Facebook Comments