Sekyu, Timbog sa Pagbebenta ng Droga!

88

Cauayan City, Isabela- Huli sa pagtutulak ng droga ang isang sekyu matapos na matiklo sa isinagawang drug buy bust operation ng kapulisan sa Poblacion Sur, Maddela, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Ricardo Salada, Quirino Provincial Intelligence Branch o QPIB ng Quirino Police Provincial Office (QPPO), ang nahuli ay nakilalang si Mark Sidney Andrew Espineli 22-anyos, may-asawa at residente ng Poblacion Sur, Maddela, Quirino.


Sa ikinasang operasyon ng mga otoridad ay nasamsam sa pag-iingat ni Espineli ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at marked money na limang daang piso (P500) na ginamit ng pulis na nagpanggap na bibili.

Ang suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng himpilan ng pulisya habang inihahanda ang kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2002 na isasampa laban sa sekyu.

Facebook Comments

From Advertisers