Imbestigasyon sa EJK, panawagan ng isang kongresista sa bagong liderato ng Senado

 

Inihayag ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas na isang magandang pagkakataon ang pagpapalit ng liderato ng Senado para higit na maisulong ang interes ng sambayanang Pilipino.

Ayon kay Brosas, sa paraan ito ng pagsusulong ng mga panukalang batas na para karapatan at kapakanan ng mamamayan.

Bunsod nito ay nanawagan si Brosas kay Senator President Francis Chiz Escudero bilang bagong pangulo ng Senado na bigyang panahon ang imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings (EJK) na nangyari sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Inihalimbawa ni Brosas ang ginawang pagdinig ng Kamara ukol sa EJK na may kaugnayan sa war on drugs ng Duterte administration.

Giit ni Brosas, marapat lamang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at kanilang pamilya at mapanagot ang mga nagkasala.

Facebook Comments