
Pinatututukan ni Senator JV Ejercito ang modus at ang mga tunay na salarin sa likod ng umano’y maanomalyang flood control projects.
Ito ay kasunod ng mga bagong rebelasyon na lumitaw sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Giit ni Ejercito, hindi dapat malihis ang imbestigasyon at kailangang bumalik sa kung sino at saan nagsimula ang modus.
Ayon sa senador, ang mga pangunahing responsable ay ang mga contractor, si dating Congressman Zaldy Co, at ang grupo ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo.
Punto ni Ejercito, kung layunin ng Senado na maglatag ng sapat na safeguards at tunay na reporma, mahalagang malinaw munang matukoy kung ano ang nangyari at kung sino ang nagpasimula ng katiwalian.
Dagdag pa niya, hindi rin dapat tanggapin bilang state witness ang mga itinuturing na pinaka-guilty at aktibong bahagi ng operasyon.










