Imbestigasyon sa harassment ng China sa mga mangingisdang Pilipino, isinulong sa Senado

Pinapa-imbestigahan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Senado ang harassment o panggigipit ng China sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino.

Nakasaad sa Senate Resolution 777 na layunin ng imbestigasyon na madetermina ang epekto ng hakbang ng China lalo na sa sa food security ng bansa.

Ginawa ito ni Pangilinan kasunod ng utos ng China na alisin ang BRP Siera Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.


Giit ni Pangilinan, kailangan nating ipaglaban ang Ayungin Shoal dahil napakayaman nito sa Isda at iba pang pagkain.

Diin ni Pangilinan, ang pagprotekta sa ating Exclusive Economic Zone ay makakatulong sa pagtugon sa pagkagutom.

Facebook Comments