Manila, Philippines – Itutuloy pa rin ng committee onurban planning, housing and resettlement sa April 18 ang imbestigasyon saginawa ng grupong kadamay na pag ukopa sa mga housing projects ng NationalHousing Authority o NHA.
Ito ayon kay Committee Chairman Senator JV Ejercito ay sakabila ng pasya ni pangulong rodrigo duterte na ipagkaloob na sa mga kadamaymembers ang mga housing unit na pwersahan nilang inokupa sa Pandi, Bulacan. Ayon kay Senador Ejercito, layunin ng pagdinig na malamankung sino ang dapat managot dahil sa pag-papabaya sa housing projects at kungsaan napunta ang pondong naka-laan dito.
Dagdag pa ni Ejecito, target din ng pagdinig na mabusisikung bakit marami pa ring housing project ng National Housing Authority angnananatiling substandard, bitak-bitak at nakatiwangwang.
Giit pa ni Ejercito, ang government housing projects ayhindi lang basta tungkol sa structure.
Dapat aniya ay mayroon itong strategic plan upangmatugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga benepisyaryo tulad ng access
Sa kanilangkabuhayan, transportasyon, edukasyon at health facilities.
Imbestigasyon sa housing projects na inukopahan ng KADAMAY, itutuloy ng Senado
Facebook Comments