Pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia, itinakda sa May 25

Manila, Philippines – Bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia sa May 25.

Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, makikipagpulong si Pangulong Duterte kay Russian President Vladimir Putin.

Kabilang aniya sa mga usaping tatalakayin ay ang tungkol sa ekonomiya, seguridad at pagpapalakas ng ugnayanng Pilipinas at Russia.


Maliban dito aniya ay ilang kasunduan din ang nakatakdang lagdaan ng dalawang lider.

Dagdag pa ni Sorreta, naghahanda narin ang Filipino communities sa Russia sa nalalapit na pagdalaw doon ngpangulo.

Tinatayang nasa sampung libong Pilipino ang naninirahan ngayon sa Russia.

Facebook Comments