Imbestigasyon sa mga tauhan ng Bureau of Immigration na sangkot sa human trafficking, sinimulan na

Ipinag-utos na ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang impartial investigation sa immigration officers sa NAIA na nadadawit  sa human trafficking.

Sinabi ni Morente na seryosong alegasyon ang human trafficking lalo pa’t Immigration personnel ang nakakaladkad sa isyu.

Ayon kay Morente, iaakyat nila ang kaso sa DOJ na siyang mother unit ng BI para sa isang malalimang imbestiagasyon.


Posible rin aniyang may mga opisyal mula sa ibang ahensya ang makasama sa mga sasampahan ng reklamo.

Paliwanag ni Morente, sa ngyon kasi ang rekomendasyon lamang sa DOj ang kayang gawin ng Board of Discipline ng BI at nasa kapangyarihan pa rin ng DOJ ang pagha-hire at pagsisibak sa mga empleyado nito.

Facebook Comments