Ikinatuwa ni Senator Imee Marcos na nagkasundo na ang Malacañang at Senado kaugnay sa importasyon ng pork bilang tugon sa problemang dulot ng African Swine Fever (ASF) outbreak sa bansa.
Bunga ito ng pag-uusap nina Senate President Tito Sotto III at Finance Secretary Carlos Dominguez.
“I am grateful we came to an acceptable compromise, thanks to SP Sotto and Secretary Dominguez! But the MAV issue doesn’t stop there because our agricultural industry continues to struggle. It seems we are still forced to import all kinds of basic commodities,” ani Sen. Marcos.
Sa kabila nito, ay isinulong ni Senator Imee Marcos na maimbestigahan ng Senado ang Minimum Access Volume o MAV system sa importasyon ng bigas, mais, karne, manok o isda, asukal, gulay, iba pang pagkain o produktong agrikultura.
Hakbang ito ni Marcos sa harap ng alegasyon na katiwalian sa MAV system at kawalan din dito ng transparency.
“Let us use this opportunity to fix the country’s twisted system of food importation – whether it’s rice or corn, pork, chicken, fish, sugar, vegetables, Christmas goodies, or fruits. There’s no end to racketeering, it’s exasperating! Despite the entry of pests and disease, we still haven’t learned our lesson,” idinagdag ng Senador.
Pangunahing inihalimbawa ni Marcos ang umano’y tiba-tibang kita ng mga pork importer habang naghihirap ang mga lokal na magbababoy.
Sabi ni Marcos, pagkakataon din ang pagdinig na maisaayos ang magulo at baluktot na sistema ng food importation sa ating bansa.
Giit ni Marcos, kailangang masugpo na ang pagsabotahe sa ating agrikultura para maprotektahan ang ating nanganganib na food supply.
“So I am calling for a thoroughgoing investigation of the MAV regime, in particular, and food importation, in general – so we can, once and for all, expunge agricultural sabotage and exploitation from our ever imperilled food supply!” sabi ni Marcos.