Imbestigasyon sa Nadiskubreng Pagawaan ng Pekeng Yosi, Kasalukuyan

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy ngayong araw ang ginagawang pagsisiyasat ng BIR, PNP Isabela, PDEA at ilan pang mga ahensya ng pamahalaan sa nabistong Rice Mill na pagawaan pala ng pekeng mga sigarilyo sa may National road sa bahagi ng brgy. Palattao, Naguilian, Isabela.

Sa personal na pagtungo ng 98.5 iFM Cauayan News Team ngayong umaga sa mismong bodega na may pangalang Lucky J 888 Rice Mill Corp na pagmamay-ari ng isang Korean National na si Peter Hou ay ipagpapatuloy ng mga pinagsanib na pwersa ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan ang sinimulang imbentaryo sa mga nadiskubreng chemical na ginagawang sigarilyo, iba’t-ibang brand ng yosi, mga makina at iba pang mga gamit na tinatayang aabot sa halagang Bilyong piso.

Kasalukuyan din nakakordon ang mahigit 200 na trabahador ng nasabing pagawaan na ni-recruit mula pa sa Visayas at Mindanao habang ang apat (4) na mga Korean National ay nasa kustodiya ngayon ng PNP Naguilian.


Tinangka pang tumakas ng mga trabahador matapos na butasin ang gilid na bahagi ng bodega subalit bigo ang mga ito sa kanilang plano.

Magugunitang nakasabat kahapon ang tropa ng PNP Naguilian at Highway Patrol Group sa binabantayang checkpoint sa naturang barangay ng isang Truck na naglalaman ng mga karto-kartong pekeng sigarilyo.

Facebook Comments