Imbestigasyon sa nangyaring pagbaha sa Cagayan, suportado ni VP Robredo

Suportado ni Vice President Leni Robredo ang pag-imbestiga sa nangyaring malawakang pagbaha sa Cagayan.

Ayon kay Robredo, mahalagang magkaroon ng oversight dahil maraming buhay at ari-arian ang nawala.

Dapat ding malaman kung ano ang dahilan ng matinding baha kahit resulta ito ng pinasama-samang factors.


Layunin din ng imbestigasyon na maiwasang maulit ito sa mga susunod na kalamidad.

Iginiit din ni Robredo na dapat nagkaroon ng maigting na paghahanda lalo na at maraming bagyo ang tumama sa bansa.

Dapat nagkaroon ng estimation kung gaano karaming ulan ang babagsak at naabisuhan ng maaga ang mga apektadong residente hinggil sa baha.

Facebook Comments