Imbestigasyon sa pag-iisyu ng BSP ng ₱1,000 polymer, isinulong sa Senado

Pinapaimbestigahan ni Senator Koko Pimentel sa Senado ang aniya’y hindi praktikal na pag-iisyu ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng ₱1,000 polymer banknotes at ang minadaling pagpapalit sa disensyo ng ating pera kasama ang mga barya.

Kasabay nito ay pinahihinto rin ni Pimentel sa BSP ang paggawa at pagpapalabas ng polymer banknotes dahil sa maraming reklamo.

Para kay Pimentel, isang kalokohan na hindi pwedeng magusot ang ₱1,000 na polymer dahil sanay ang mga Pilipino na ibulsa ang pera o kaya ay ilagay sa maliit na pitaka at sa mga wallet na tatlong tiklop.


Sabi ni Pimentel, parang gusto pa atang ilagay ng BSP sa frame ang nabanggit na pera para hindi masira at kunwari ay matibay.

Binatikos pa ni Pimentel ang negatibong epekto sa kabuhayan ng local abaca producers ng produksyon ng polymer banknotes sa halip na gamitan ito ng abaca.

Binanggit ni Pimentel na $97.1 million ang kada taong halaga ng abaca industry.

Facebook Comments