Pangulong Marcos Jr., wala nang sintomas ng COVID-19

57

Wala nang nararamdamang sintomas ng COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at kung ito ay magtutuloy-tuloy sa susunod na 24 na oras, maaari na nitong tapusin ang isolation period sa Biyernes (July 15).

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, alas-10 ng umaga kanina nang muling tingnan ng doktor ang kalagayan ng pangulo.

Tapos na aniya si PBBM sa lahat ng medikasyon nito at hindi na nakararanas ng ubo o pangangati ng lalamunan at baradong ilong.


Ayon pa kay Angeles, sinabi ng doktor ng pangulo na handa na itong magbalik sa mga face-to-face na aktibidad sa oras na matapos na ang pitong araw na quarantine period na itinatakda ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments