Imbestigasyon sa paggamit umano ng Marawi rehab funds sa hanj pilgrimage, dapat ituloy ng COA

 

Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin sa Commission On Audit o COA na ituloy ang imbestigasyon sa umano’y paggamit ng pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi sa hajj pilgrimage sa Saudi Arabia ng 27 residente ng Marawi.

 

Pahayag ito ni Drilon sa kabila ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na palagpasin na lang ang paggamit sa Marawi rehab funds sa hanj pilgrimage.

 

Katwiran ni Drilon, ang COA ay isang independent constitutional body at hindi pwedeng utusan ng ehekutibo.


 

Para kay Drilon, hindi sapat na rason ang pagrespeto sa kultura at paniniwala ng marawi evacuees para gastusin sa iba ang salaping nakalaan sa pagpapagawa ng mga bahay at mga istrkturang nawasak sa nangyaring gulo sa marawi.

 

Ang tinutukoy ni Drilon ay ang 5-milyong piso na ginamit sa pilgrimage na pinalabas ng housing and urban development coordianting council at inilipat sa National Commission On Muslim Filipinos mula sa 500-milyong piso na budget ng Office Of The President para sa task force bagong Marawi.

 

Ayon kay Drilon, ang paglihis ng pondo mula sa dapat nitong paggamitan ay maituturing na technical malversation sa pera ng bayan.

Facebook Comments