Imbestigasyon Sa Pagpatay Sa Isang Tumatakbong Konsehal Sa Matnog, Sorsogon, Pinamamadali

8

MANILA – Nanawagan si Independent Vice Presidential Candidate Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero sa lokal na pulisya na agad na imbestigahan ang pagpatay sa isang tumatakbong konsehal sa Matnog, Sorsogon habang nangangampanya nitong Lunes.Base sa mga ulat, pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang mga kalalakihan si Cayetano Gallanosa Oro Jr., kandidato sa pagka-konsehal habang naglilibot sa barangay.Partikular na tinawag ni Escudero ang pansin ng PNP-Region 5 para tutukan ang kaso at panagutin sa batas ang responsable sa nasabing krimen.Aniya, nangangahulugan lamang na may gustong iparating na mensahe sa mga taga-Sorsogon ang sinumang nasa likod ng pagpatay dahil ginawa ang pananambang sa isang political rally.Si Escudero ay naging congressman ng unang distrito ng sorsogon sa loob ng siyam na taon bago naging Senador noong 2007.

Facebook Comments