Puso At Galing Presidential Bet Sen. Grace Poe, Nakakuha Ng Suporta Sa Ilocos Sur

6

MANILA – Sinadya ni Puso at Galing Presidential Bet Sen. Grace Poe ang ilang lugar sa Ilocos Region para hingin ang suporta ng mga mamamayan sa Hilagang Luzon.Nitong Martes lamang, nangampanya si Poe sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at Isabela kung saan mainit siyang na tinanggap ng mga lokal na lider tulad nina Ilocos Sur Rep. Ronald Singson at Ilocos Sur Vice Gov. Jeremy Singson.Ang mga Singson ay kilalang angkan at maimpluwensyang pamilya sa Ilocos Sur.Nitong nagdaang mga araw ang sabayang nagpahayag ng suporta ng lahat ng gobernador sa Bicol Region sa pangunguna ni Albay Gov. Joey Salceda na umalis sa Liberal Party para sumama sa ‘Gobyernong may Puso’ ni Poe.Nagpahayag din ng pagsuporta ang kumakandidato ngayong Gobernador ng Catanduanes na si Vice Gov. Jose Teves Jr.Labis naman ang pasasalamat ni Poe sa natanggap na suporta, at ipinangako niyang kapag sya ay pinalad na maging pangulo ay maglulunsad otp ng digmaan laban sa kahirapan na syang puno’t dulo ng mga problema ng bansa sa kriminalidad, kagutuman at rebelyon.

Facebook Comments