Imbestigasyon sa Pamamaril ng Biyenan sa Manugang, Nagpapatuloy

206

Cauayan City, Isabela- Patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya sa pamamaril ng isang 65 anyos sa mismong bayaw nito sa Brgy. Rizaluna, Cordon, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Alford Accad, hepe ng pulisya, inihahanda na nila ang mga kaukulang kaso na isasampa sa suspek na nakilalang si Manolito Retotal na mismong bumaril kahapon sa manugang nitong si Dominador Tabangin na parehong residente sa nabanggit na lugar.


Iniimbestigahan pa rin aniya ang isang (1) special Caliber 38 na baril na ginamit ng biyenan kung totoong hiniram lamang niya ito o pagmamay-ari mismo ang baril.

Ayon kay PMaj. Accad, ginising at kinulit umano ng lasing na biyenan ang manugang nito na kasalukuyang natutulog at pinagtulungan umanong bugbugin kasama ang kapatid ng biyenan.

Dahil dito, agad umanong nagtungo ang suspek sa kapatid nito at pinahiraman ng baril na ginamit sa krimen.

Nagtamo ng isang (1) tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay habang narekober sa pinangyarihan ng pamamaril ang tatlong (3) basyo ng naturang kalibre ng baril.

Nabatid na mayroon nang dating alitan ang dalawa at ayon sa suspek lagi umanong naglalasing ang manugang nito gamit ang perang ipinapadala ng kanyang anak na nasa abroad.




Facebook Comments