Tensyon sumiklab dahil sa agawan sa lupa sa South Upi Maguindanao

56

Kinumpirma ni South Upi Mayor Reynalbert Insular na nagkaroon na naman ng tensyon sa dalawang sitio sa kanyang kinasasakupan kahapon.

Anya ang mga sangkot na grupo ay claimants ng mga lupa na nasa hangganan ng dalawang sitio sa Barangay Pilar at Pandan na dati nang napag-ayos ng lokal na pamahalaan.


Sinabi ni Mayor Insular na nagkasagupa na naman ang mga ito kahapon ng umaga.

Pareho naman anyang may mga ipinapakitang katibayan ang mga involve na pag-aari nila ang lupang inaangkin nila subalit ayon sa alkalde kailangan dito ang interbensyon ng DENR o MENRE upang malinawan ang bawat panig.

Naidulog na anya ng LGU ang naturang usapin sa mga kinauukulan subalit naantala lamang ang pagtugon ng mga ito dahil sa inabot ng quarantine bunsod ng covid-19 pandemic.
Bagaman walang naitalang casualties, ilang pamilya ang naging apektado ayon kay Mayor Insular.(Daisy Mangod)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments