Imbestigasyon sa power shortage, ikinakasa na ng Senado

Manila, Philippines – Inihahanda na ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian ang gagawing pagdinig ukol sa mga naranasang brownout bago mag-Semana Santa.

Diin ni Gatchalian, dapat magpaliwanag ang mga opisyal ng Department of Energy o DOE.

Ayon kay Gatchalian, ginarantiyahan ng DOE na sapat ang suplay ng kuryente ngayong panahon ng tag-init lalo na sa eleksyon.


Sabi ni Gatchalian, pangunahin ding target ng pagdinig na mabusisi ang alegasyon na nagsasabwatan ang mga pribadong power producers para makapagtaas ng singil sa kuryente.

Facebook Comments