Imee sa 20 na taong diktaturyang Marcos: Responsibilidad na ipaliwanag ang aming ‘side’

Pinahayag ni Senator-elect Imee Marcos na responsibilidad ng kanilang pamilya na sabihin sa taumbayan ang kanilang panig ukol sa nangyaring 20 na taong diktaturya.

Ayon sa kaniyang interview sa ANC, kasalanan nilang na hindi nila naipaliwanag ang kanilang ‘side’ dahil wala silang pagkakataon.

“We had no access to media and with online and all the other digital platforms, we finally have a chance to say,” paliwanag ni Imee.


“So kailangan, it’s also our responsibility to say what we saw, to say how we participated and that which we were aware what we knew,” dagdag niya.

Sa ilalim ng diktaturyang Marcos, sinasabing mayroong $10 bilyon ang nakuhang pera mula sa kaban ng bayan at mga ‘forced disappearances’ at human rights violations.

Facebook Comments