IMINUNGKAHI | Dayalogo sa pagitan ng simbahan at Malakanyang, iginiit

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senator Richard Gordon na magkaroon ng dayalogo sa pagitan ng mga lider ng simbahan at ng mga opisyal ng Malakanyang.

Kasundo ito ng mga pahayag muli ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pari.

Ayon kay Gordon, hindi rin niya gusto ang mga pag-atake ni Pangulong Duterte sa mga pari.


Pero marahil aniya ay may matinding hugot ang Pangulo dahil sa kwento nito na nabiktima din siya ng pari noon.

Gayunpaman, ikinatwiran ni Gordon na anuman ang hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig ay dapat pa rin na maging maayos ang kanilang pakikitungo sa isa’t-isa.

Pinayuhan din ni Gordon ang mga taga-simbahan na linisin at ayusin ang kanilang hanay dahil marami talagang mga pari ang gumagawa ng mga kalokohan.

Facebook Comments