IMINUNGKAHI | DILG, planong lagyan ng clustering bawat zone ng mga Barangay sa Maynila

Manila, Philippines – Iminungkahi ni DILG Undersecretary For Brgy. Affairs Martin Diño na magkaroon ng clustering ang bawat Zone ng Barangay upang maiwasan na maraming mga Brgy. Captain na tumatakbo sa iisang zone sa kanilang lugar.

Sa ginanap na forum sa kapihan sa Manila Bay sinabi ni Diño na panukala niyang baguhin ang bawat zona kung saan ay lalagyan ng clustering upang hindi na magsiksikan na sa kanilang mga Barangay.

Paliwanag ni Diño na kailangan lang aniya rito ay ordinansa o batas ng Kongreso para baguhin ang sistema kung saan ay dapat ay ang bawat Zona ay dapat 2 Barangay lang ang ideal upang maging maayos ang kanilang pamamalakad.


Dagdag pa ni Diño na humigit kumulang 900 na Baragay ang sa Maynila habang sa Quezon City naman ay 142 na barangay lamang gayong napakalawak ang naturang Lungsod.

Karamihan aniya sa Maynila ay nakatungtong sa sidewalk ang ilang mga barangay hall kaya tuloy sinisira o ginigiba ng MMDA dahil nakasasagabal sa mga Pedetrian na dapat ay nakalaan para sa kanilang mga nasasakupan.

Facebook Comments