NBA | Houston Rockets, ginulat ang Golden State Warriors, 95-92 sa game 4 ng Western Conference Finals

Oakland – Nagbagsak ng 25-12 run ang Houston Rockets sa 4th quarter para maitakas ang 95-92 na panalo kontra sa Golden State Warriors sa game 4 ng Western Conference Finals.

Mula sa 82-70 score sa simula ng final period, uminit ang opensa ng Rockets sa pamamagitan nina Eric Gordon, Chris Paul at James Harden para maitabla ang serye sa 2-all.

Umisko ng game high 30 points si Harden habang may 27 markers naman si Paul.


May 28 points naman si Stephen Curry para Warriors na biglang nanlamig sa 4th quarter.

Nalasap ng Warriors ang una nilang pagkatalo sa Oracle Arena ngayong playoffs.

Facebook Comments