Manila, Philippines – Iminungkahi ni Senate President Tito Sotto III na buwagin ang Presidential Communications Operations Office o PCOO para ibalik ang Office of the Press Secretary.
Sa budget hearing ay ikinatwiran ni Sotto na binuo ang PCOO noong Aquino administrasyon para umano’y ma-accommodate ang mga political friends nito.
Magugunitang noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay hinati ang Office of the Press Secretary sa PCOO at Presidential Communications Development and Strategic Planningoffice.
Ang mungkahi ni Sotto ay sinuportahan naman ni Senator JV Ejercito na syang magdidepensa sa proposed budget ng pcoo para sa 2019.
Tiwala si Ejercito na ang hakbang na ito ay daan para mas maging mahusay ang pcoo.
Dagdag pa ni Ejercito, mainam din kung magtatalaga ng press attache sa mga strategic areas sa ibayong dapat para mapabuti ang imahe ng Pangulo at ng buong bansa.