IMINUNGKAHI | Paggamit ng electric vehicles, sagot sa mahal na presyo ng langis

Manila, Philippines – Iminungkahi ni House Committee on Energy Vice Chairman Carlos Uybarreta na i-modernisa ang public transport system sa bansa gamit ang electric vehicles.

Ayon kay Uybarreta, ito ay para makaiwas ang bansa sa epekto ng pagtaas ng singil sa krudo dala ng presyuhan sa world market.

Naniniwala ang kongresista na ito ang isa sa mga dapat gawin ng bansa para kontrahin ang tumataas na fuel prices.


Sa ilalim pa ng TRAIN Law, exempted sa pagbabayad ng excise tax ang mga electric vehicles hindi tulad sa hybrid vehicles na 50% lamang ang exemption sa excise tax na ipinapataw sa mga purong fuel-powered vehicles.

Pero, humiling naman si Uybarreta sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tiyaking hindi maapektuhan ng paghina ng piso ang electric vehicle sector.

Mas lalo aniyang kailangan ngayon ang modernisasyon sa Public Utility Vehicles (PUV) dahil malaki ang maitutulong nito sa mga maliliit na motorista laban sa pagtaas ng presyo ng langis.

Facebook Comments