NAUUNAWAAN | Lips to lips ni Pangulong Duterte sa isang OFW, naiintindihan ni Sen. Gatchalian

Manila, Philippines – Nauunawaan ni Senator Win Gatchalian ang ginawang paghalik sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang mangagawang Filipina sa South Korea.

Ikinumpara pa ni Gatchalian ang ginawa ng Pangulo sa mga artista na kahit may mga asawa ay nagagampanan pa rin ang kanilang kissing scenes sa mga pelikula at programa sa telebisyon sa professional na paraan.

Sa tingin ni Gatchalian, bilang isang public official ay hinangad lang ni Pangulong Duterte na pasayahin ang crowd nya na noon ay naghihiyawan na.


Ipinunto pa ni Gatchalian, ang mismong pahayag ng Pinay na pumayag sya sa paghalik ng Pangulo dahil wala itong malisya at layunin lang na pakiligin at pasayahin ang mga audince noon.

Facebook Comments