Manila, Philippines – Dapat ipaubaya na lang sa mga jueteng lord ni Pangulong Duterte ang pagpapatakbo sa mga Small Town Lottery (STL) sa buong bansa.
Ito ang iminungkahi ni Ako Bicol Representative Rodel Batocabe, Presidente ng Partylist Coalition (PLC) sa gitna ng umano ay paghina ng koleksyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula sa mga operasyon ng mga STL.
Giit ni Batocabe, naniniwala siyang makakakolekta ng malaki ang gobyerno kung ang mga jueteng lord ang mangangasiwa at gagawa ng alituntunin sa operasyon ng STL sa buong bansa.
Ayon pa kay Batocabe, mas mabuti rin kung gagawing legal ang jueteng operation.
Maliban aniya kasi sa buwis na makokolekta ng gobyerno ay imposible na rin itong mapahinto.
Facebook Comments