IMINUNGKAHI | Pagpataw sa Value Added Tax sa mga pangunahing bilihin, inihirit na suspendihin

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na ipatigil kahit isang taon lamang ang pagpapataw ng VAT para maresolba ang record-high inflation na siyang nagpapabigat sa pasanin ng mga Pinoy.

Sinabi ni Marcos sa isang pulong balitaan sa Pasay na may mga kapalit na hakbang ang maaring ipatupad upang hindi mangyari ang inaasahan na pagkalugi ng gobyerno dahil sa pagsuspinde pansamantala ng VAT.

Iminungkahi nito ang 10 porsyento na pagsasaayos sa income tax collection, pagbabawas sa gastos ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang hakbang na maaring makalikom ng P362 billion.


Sa datos ng Bureau of Internal Revenues, lumalabas na kung lalago ng kahit 10porsyento ang income tax collection, maaring kumita ang pamahalaan ng P102 billion ngaung taon at P113 billion sa susunod na taon.

Kung sususpindehin anya ang VAT ng isang taon, panalo ang mga mahihirap dahil tiyak na bababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments