TINIYAK | Naging papel ni Sara Duterte sa pagpapatalsik sa Dating House Speaker, hindi makaaapekto sa relasyon ng lehislatura at ehekutibo

Manila, Philippines Hindi nakikita ng Palasyo na masisira ang relasyon ng lehislatura at ehekutibo, dahil sa naging papel ni Presidential daughter Sara Duterte sa pagpapatalsik noon kay Congressman Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, kahit sino pa ang magmungkahi ng ouster o pagpapatalsik para sa posisyon ng House Speaker, sa huli nasa mga miyembro pa rin aniya ng Kongreso ang desisyon.

Dagdag pa ni Panelo, una nang sinabi ng mga congressman na bumoto sila upang mapaalis si Alvarez sa pwesto dahil sa hindi sila kuntento sa pamamahala nito.


Facebook Comments