IMINUNGKAHI | Revision sa DENR rules kaugnay sa waste recycling companies, isinusulong

Manila, Philippines – Iminungkahi ni Iligan City Rep. Frederick Siao ang pagrebisa sa mga panuntunan ng DENR sa mga waste recyling companies.

Ayon kay Siao, bagamat maibabalik na ang 51 containers sa South Korea na naglalaman ng basura mula sa nasabing bansa, sinabi nitong ipagpapatuloy niya pa rin ang pag-monitor sa rules ng DENR sa operasyon ng mga waste recycling companies.

Hindi na dapat maulit ang ginawang pagpapalusot ng Verde Soko Philippines na naglalaman ng hazardous waste na naipasok sa Tagoloan Port sa Misamis Oriental.


Iginiit ng kongresista na hindi dapat palagpasin sa inspeksyon at monitoring ng DENR ang mga ganitong uri ng waste recycling firms na nagdadala ng basura sa Pilipinas na delikado para sa kalusugan ng mga Pilipino.

Umaasa din ang mambabatas na tototohanin ng South Korean authorities ang pagsasagawa ng imbestigasyon at ang pagpapanagot sa kumpanyang Verde Soko at sa mga taong nasa likod ng nakapasok na basura sa bansa.

Facebook Comments