Hinimok ngayon ng Bureau of Immigration (BI) ang international travelers na pumunta sa mga paliparan nang maaga.
Asahan na raw kasi ang pagbuhos pa rin ng mga pasahero dahil sa Undas at long weekend.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco, mas maigi raw na tatlong oras bago ang flight ng mga bibiyahe ay nasa paliparan na ang mga ito.
Ito ay para siguruhing walang aberya sa kanilang travel experience.
Sakali naman umanong maaga silang nakarating sa airport ay andiyan naman ang iba’t ibang restaurants, coffee shops at amenities.
Facebook Comments