Manila South Cemetery, inaasahang dadagsain ngayong bisperas ng Undas

Inaasahang mas dadami na ang bisitang magtutungo sa Manila South Cemetery ngayong araw, bisperas ng Undas.

Mula pagbukas ng sementeryo kaninang alas-6:00 ng umaga, tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga bisita sa sementeryo na ang karamihan ay magkakamag-anak.

Hindi naman na pinapayagang makapasok ang mga sasakyan at motorsiklo sa loob.


Bukod sa mga security personnel ng Manila South Public Cemetery, nakabantay na rin ang mga tauhan ng Makati Police District sa sementeryo.

Patuloy na pinapaalalahanan ang mga bibisita sa mga ipinagbabawal na ipasok sa loob ng ang mga matatalim na bagay, nakalalasing na inumin, at mga flammable substances.

Facebook Comments