Immigration Commissioner Jaime Morente, tiniyak na makikipagtulungan sa lifestyle check sa kanilang hanay

201

Tiniyak ni Immigration Commissioner Jaime Morente na bukas ang kanyang liderato sa paglilinis sa harap ng nabunyag na “pastillas modus” na kinasasangkutan ng ilang immigration personnel.

Tiniyak din ni Morente na makikipagtulungan sila sa ano mang imbestigasyon at sa gagawing lifestyle check sa kanilang hanay.


Sinabi pa ni Morente, na labis siyang dismayado sa katiwalian ng ilan niyang tauhan.

Kaugnay nito, maglalagay aniya sila ng karagdagang CCTV cameras sa mga lugar ng primary inspectors bukod sa pagpapatupad ng mga bagong protocols sa secondary inspections sa mga open na lugar para matiyak ang transparency.

Sa kabila nito, kumpiyansa si Morente na malalagpasan nila ang eskandalong kinasasangkutan ng Bureau of Immigration o BI.

Facebook Comments