Immigration officers, pinagbawalan munang magbakasyon hanggang Enero

33

Manila, Philippines – Bawal munang mag-leave ang Immigration officers na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals at sa iba pang international ports simula October 28, 2017 hanggang January 15, 2018.

Layon nito na matiyak na may sapat na manpower sa pagdagsa ng mga pasahero sa nalalapit na Undas, ASEAN Leaders’ Summit hanggang sa Christmas season.

Gayunman, aminado si Immigration Commissioner Jaime Morente na hindi ito garantiya na walang magiging pila sa Immigration counters dahil sa ina-asahang pagtaas ng volume ng mga pasahero mula sa susunod na buwan hanggang sa Kapaskuhan.

Nagbabala naman si Immigration Port Operations Division Head Marc Red Marinas na ang madalas na pag-absent sa trabaho ay may katapat na parusa na anim na buwang suspensyon o pagkakasibak sa serbisyo.

Facebook Comments