Kasabay ng kanyang kauna-unahang Presidential Address, binigyang-diin ni U.S. President Donald Trump ang isinusulong nitong immigration policy.
Sa kanyang speech, sinabi ng US President na napapanahon na para magkaroon ng immigration bill basta’t may kompromiso ang magkabilang panig.
Nangako rin itong magtatayo ng pader sa bahagi ng US Mexican border.
Samantala, inisa-isa rin ni Trump ang mga problemang kinahaharap ngayon ng Amerika kabilang na ang kahirapan, milyon-milyong Amerikanong walang trabaho at aniya’y serye ng tragic foreign policy disaster.
Kaugnay nito, sinabi ni Trump na tatayo ang Amerika para sa pagkakaisa at handang manguna muli magkakaiba man ang polisiya ng iba’t ibang bansa.
Facebook Comments