Imminent threat nagtulak sa mga sundalo ng BRP Sierra Madre para hawakan ang kanilang mga armas; gun pointing mariing itinanggi

Unang beses pa lamang ginawa ng mga sundalo na nakaposte sa BRP Sierra Madre ang paghahawak ng kanilang mga armas.

Ito’y kasunod nang paglapit ng mga Chinese sa BRP Sierra Madre kung saan naka estasyon ang mga tropa ng pamahalaan matapos makipag-agawan ang mga ito sa air drop resupply para sana sa mga sundalo.

Ayon kay AFP Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. hindi pangkaraniwang hinahawakan ng mga sundalo ang kanilang mga armas bagama’t awtorisado silang magdala ng baril bilang bahagi na rin ng self defense.


Ani Brawner, bahagi ito ng precautionary measure at rules of engagement ng mga sundalo dahil sa naranasang banta noon mula sa puwersa ng China.

Matatandaang nangyari ang insidente noong May 19 kung saan tatlong (3) supply ng mga pagkain at gamot mula sa air drop ang na-recover ng mga awtoridad habang ang isang package ay kinumpiska ng China sa pag-aakalang gamit pang konstruksyon ang laman ng mga package.

Ani Brawner, matapos na makita ng mga Chinese Coast Guard ang laman ng package na pawang mga pagkain, bigas at gamot ay tinapon ito sa karagatan.

Facebook Comments