Immunization Summit, Inilarga ng DOH 2 sa Lungsod ng Cauayan!

*Cauayan City, Isabela- *Puspusan na ngayon ang paghikayat ng Department of Health Region 2 (DOH) sa mga mamamayan upang pabakunahan ang mga anak kaugnay sa lumalalang kaso ng sakit na tigdas sa bansa.

Kaugnay nito, bukod sa door-to-door na isinasagawa ng DOH, nagsagawa ng Immunization Summit ang DOH 2 sa Lungsod ng Cauayan kaninang umaga kasama ang mga katuwang na ahensya na sinimulan sa pagpaparada sa mga pangunahing lansangan sa Lungsod.

Layunin nito na maipaabot sa mga mamamayan ang mga kahalagahan ng pagpapabakuna sa mga bata.


Layon rin na mahikayat ang mga magulang na ipabakuna ang kanilang mga anak upang malabanan ang anumang sakit gaya ng tigdas.

Magugunita na nakapagtala rin ng kaso ng tigdas o measles ang Rehiyon dos na siya namang tinututukan ng DOH 2.

Facebook Comments