‘Immunocompromised conditions’ na prayoridad sa 3rd dose, inilabas ng DOH

33

Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga immunocompromised conditions na prayoridad sa booster shot laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ibinase ang listahan ng immunocompromised conditions mula sa rekomendasyon ng World Health Organization’s Strategic Group of Experts on Immunization (WHO’s SAGE).

Batay sa DOH, ang mga sumusunod ang bibigyan ng prayoridad sa pagtuturok ng third dose ng COVID-19 vaccine:


• Mga ginagamot sa kanser para sa tumor o dugo
• Nakatanggap ng organ transplant o sumasailalim sa immunosuppressive therapy
• Nakatanggap ng stem cell transplant sa loob ng huling dalawang taon o sumasailalim sa immunosuppressive therapy
• May katamtaman o malubhang estado ng immunodeficiency
• May advanced o hindi nagamot na HIV infection
• Tumatanggap ng aktibong gamot na may corticosteroids o iba pang mga gamot na maaaring sugpuin ang immune response
• Mga pasyente ng dialysis
• Mga taong may autoimmune disease at sumasailalim sa treatment na may partikular na immunosuppressive na gamot
• May mga kondisyon na itinuturing na katumbas na antas ng immunocompromised ayon sa payo ng kanilang doktor
• Mga taong may bihirang sakit.

Giit ni Vergeire, ang mga indibidwal na may ganitong mga kondisyon ay kailangang kumuha ng medical clearance mula sa kanilang mga doktor bago turukan ng third dose.

Facebook Comments