Impact assessment, hiniling ng Palasyo sa DOJ kaugnay sa planong pagbasura sa visiting forces agreement

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na hiniling ng Malacañang na magsagawa ng impact assessment bago tuluyang ibasura ang visiting forces agreement ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra – natanggap niya ang direktiba mula sa Palasyo pero magsusumite na sana sila ng kanilang legal memorandum sa Pangulo kung paano mapapawalang-bisa ang VFA.

Kaugnay nito, pupulungin ng kalihim ang mga kinauukulang kagawaran para pag-aralang mabuti kung ano ang maidudulot sa bansa oras na mapawalang bisa ang VFA.


Hindi pa tiyak kung hanggang kailan magtatagal ang pagsasagawa ng assessment.

Facebook Comments