Manila, Philippines – Pinasaringan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga pulitikong nanggigipit umano sa Hudikatura.
Ito ang naging pahayag ni Sereno sa isang talumpati kahapon matapos ang naging botohan sa House Justice on Committee kung saan 38-2 ang resulta at sinasabing mayroong probable cause ang inihaing impeachment complaint.
Ayon kay Sereno maaaring hindi ikinatuwa ng ilang mga tao ang kaniyang mga naging desisyon partikular na sa iba’t-ibang isyu kaya at nais siyang patalsikin sa pwesto.
Unang tinutulan ni Sereno ang desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat sa Libingan ng mga Bayani ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kinontra rin niya ang extension ng Martial Law sa Mindanao na isa pang desisyon ng administration.
Nagpahayag rin siya ng pagkabahala sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat kay Pangulong Duterte matapos i-ugnay ang pitong judge na sangkot umano sa drug trade noong 2016.
Kumpiyansa naman si Sereno na tutulong pa rin ang mga kapwa niya mahistrado sa Korte Suprema sa nagbabadyang impeachment trial sa Senado kahit pa karamihan sa mga ito ay tila walang suporta sa kanya. <#m_6662289309681577253_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>