Impeachment case laban kay Associate Justice Marvic Leonen, sa susunod na taon na matatalakay sa Kamara

Sa susunod na taon pa posibleng dinggin ng Kamara ang impeachment case na inihain laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ayon kay Deputy Speaker at Justice Committee Vice Chairman Rufus Rodriguez, hindi pa naisasama sa order of business at hindi pa naire-refer sa House Committee on Justice ang reklamong pagpapatalsik kay Leonen.

Kukulangin na rin aniya sa oras at panahon dahil hanggang December 18 na lamang ang trabaho sa Kamara para bigyang daan ang Christmas break.


Hindi naman isinasantabi ni Rodriguez ang posibilidad na matalakay pa rin nang bahagya ang form and substance ng reklamo bago tuluyang mag-session break ang Kongreso.

Giit ni Rodriguez, hindi pwedeng madaliin ang proseso ng impeachment dahil ang nasasangkot dito ay isa sa matataas na opisyal ng Hudikatura ng bansa.

Facebook Comments