Impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, handang sagutin sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Isusumite ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Lunes ang kanyang tugon sa impeachment complaint laban sa kaniya.

Nabatid na inaakusahan si Sereno ng Culpable Violation of the Constitution at Betrayal of Public Trust.

Kaugnay ito sa kwestyonableng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Sereno at magarbong pag-gastos sa pondo ng hudikatura.


Ayon sa tagapagsalita ni Sereno na si Josalee Deimla – sasagutin ni Sereno ang lahat ng mga grounds ng impeachment na ipinupukol sa kaniya.

Aniya, nananatiling seryoso ang punong mahistrado sa pagganap sa kaniyang mga tungkulin.

Facebook Comments