Impeachment case laban kay VP Sara, mabigat at malakas ayon sa isang kongresistang tatayong prosecutor para sa impeachment trial

Tiwala si House Deputy Majority Leader at Iloilo 3rd District Rep. Lorenz Defensor na mabigat ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ipinunto ni Defensor na hindi lalagda ang 215 na mambabatas sa ika-apat na reklamong impeachment laban sa bise presidente kung hindi nila nakita na ito ay malakas at may matibay na basehan.

Sabi ni Defensor, hindi biro ang nilalaman ng articles of impeachment laban kay VP Sara tulad ng pagkontrata ng pagpapapatay kay Pangulong Bongbong Marcos, sa 1st Lady Liza Araneta-Marcos, at kay House Speaker Martin Romualdez.


Facebook Comments