Manila, Philippines – Planong ibasura ng limang mahistrado ng Korte Suprema ang hiling ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na mag-inhibit sa oral arguments ukol sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.
Ayon sa ilang source, maghahain ang mga mahistrado ng draft resolution na magbabasura sa motion to inhibit na isinampa ni Sereno.
Nabatid na naghain ng naturang mosyon si Sereno na humihiling kina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza at Noel Tijam na huwag makilahok sa kaso.
Si Tijam ang inatasan ng kataas-taasang hukuman na suriin ang petisyon at magsusumite ng rekomendasyon sa en banc.
Sa ilalim ng quo warranto petition, kinukwestyon nito ang pagkakatalaga kay Sereno bilang punong mahistrado dahil sa kabiguang ideklara ang lahat ng kanyang yaman.