IMPEACHMENT CASE | Pagdedesisyon ng Korte Suprema sa quo warranto case ni Sereno, mapapaaga

Manila, Philippines – Sa susunod na buwan na, sa halip na sa Hunyo dedesisyunan ng Korte Suprema ang quo warranto petition laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Sa idinaos na regular en banc session sa Baguio City, nagkasundo ang mga mahistrado ng Korte Suprema na sila ay magdaos ng special en banc session sa May 17, 2018 para sa pagdedesisyon sa kaso ni Sereno.

Ang petsa para sa botohan sa quo warranto petition ay itinakda ng Korte Suprema dalawang araw pagkatapos ng pagbabalik ng sesyon sa Kongreso May 15, 2018 kung saan nakabinbin ang impeachment complaint laban sa punong mahistrado.


Layunin ng isinulong na quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida na mapawalang bisa ang pagkakatalaga kay Sereno bilang chief justice dahil sa isyu ng integridad nang mabigo siyang makapagsumite ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) sa loob ng maraming taon noong siya ay nagtuturo pa sa University of the Philippines (UP).

Facebook Comments