Manila, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ng senado ang ‘sub judice’ rule kapag umarangkada na ang impeachment trial para kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, sa ilalim ng nasabing panuntunan, magiging bukas ang senate trial sa publiko sa lahat ng oras.
Pero pagbabawalang magbigay ng komento sa publiko maging sa media ang mga senator-judges, prosecutors, defense lawyers, witness at mismo si Sereno ukol sa merito ng paglilitis.
Magtatalaga ang senado ng tagapagsalita na siyang opisyal na magbibigay ng ulat ukol sa proceedings.
Facebook Comments