IMPEACHMENT CASE | Tax payment ni CJ Sereno, may discrepancy – BIR

Manila, Philippines – Kinakitaan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng discrepancy o pagkakaiba sa tax payment ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa ika-14 na pagdinig ng House Committee on Justice sa probable cause ng impeachment complaint, sinabi ni BIR Deputy Commissioner for Operation Atty. Arnell Guballa na natapos na nila ang imbestigasyon sa tax payment ng Chief Justice at nakakita sila ng discrepancy sa tax declarations ni Sereno mula 2004 hanggang 2010.

Pero, tumanggi si Guballa na i-disclose sa komite ang resulta ng kanilang imbestigasyon.


Paliwanag ni Guballa kailangan pa nila ng pahintulot mula sa Office of the President base sa itinatakda ng National Internal Revenue Code bago mapahintulutan na isumite ito sa komite.

Sinabi pa ni Guballa na noong 2004 nadeklara ng gross revenue si Sereno na aabot sa 7.2 Million pero wala naman umanong nreakdown dito ang Chief Justice.
Samantala, no show naman sa pagdinig sina SC Justices Estela Perlas-Bernabe at Marvic Leonen na hihingan sana ng testimonya kaugnay sa pagkakahire sa IT Consultant na si Helen Macasaet.

Sa ipinadalang liham ng mga ito, naitalaga ng IT Consultant si Macasaet bago pa man sila ma-appoint sa Committee on Computerization and Library ng SC.

Hindi rin nakadalo si Hon.Judge Juanita Guerrero na hinihingan ng testimonya kaugnay sa pagpigil umano ni Sereno sa pag-isyu ng warrant of arrest laban kay Senator Leila De Lima.

Facebook Comments