Pinag-aaralan ng ACT Teachers Party-list ang posibleng pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Kaugnay ito ng hindi awtorisadong paggamit ng confidential funds para sa opisina ni VP Sara noong 2022.
Ayon kay Representative France Castro, gumasta ang Office of the Vice President ng ₱125 million bilang confidential funds nang walang awtorisasyon mula sa Kongreso.
Giit ni Castro, dapat na managot si VP Sara dahil sa misuse of public funds, technical malversation at paglabag sa Konstitusyon.
Pero hihintayin daw muna niya ang resulta ng imbestigasyon ng Commission on Audit ukol dito.
Welcome naman kay VP Sara ang nasabing imbestigasyon pero iginiit na hindi deserve ni Castro ng anumang paliwanag.
Wala aniyang ginawa ang mambabatas kundi gumawa ng alegasyon laban sa kanya at sa OVP, na handa naman niyang sagutin oras na matapos ang imbestigaston at sa budget hearing.